Hindi pa rin maalis ang galit na nararamdaman niya para sa sarili, isang sapak pa, sinuntok niya ang pader, pader na walang kalaban laban, nanginginig at pinagpapawisan, umupo siya at nag isip, bigla naman niyang sinapak ang kanang pisngi niya, isa pa, lalong lumalakas sa kada sapak, sinuntok naman niya ang kabilang pisngi upang maramdaman ang pantay ng sakit sa mukha. Naisipan niyang suntukin ang sariling tiyan hanggang sa mamula na ito at masuka, sinuntok pati ang mga hita na matapos niyang gawin ay nagtamo ito ng mga pasang nangigitim, mga galit na pasa. Nais niyang sumigaw, nais niyang kunin ang balisong na nakatago sa paborito niyang bag, nais niyang itusok ito sa gilid ng kanyang katawan, nais niyang pahirapan ang sarili dahil sa kasalanan na sumira sa lahat.
Sumikat si haring araw, nagising siya ng umiiyak at walang gana, nagalit lalo sa kadahilanang nagising pa siya, naalala niyang may kailangan siyang gawin ng mga oras na iyon... Pero hindi pa rin siya bumangon at hinayaan na lumipas ang oras, oras na dapat kasama ang kanyang mahal, "asan ako?" tanong sa sarili, "asan siya?" isa pang tanong sa sarili. Nahimasmasan siya at umupo sa maliit na kama na may patak ng mga luha, pumikit siya....biglang may tumulo galing sa kanyang mga mata.. lalong umiyak ito ng maisip ang nangyare, humagod ang kanyang kamay sa ulo at sinusubukang pakalmahin ang sarili sa nararamdaman nanaman nitong galit. Huminga siya ng malaliim at sabay tumayo. Humarap siya sa salamin at biglang sinuntok ang malawak na salamin, dugo ang umagos sa mga kamao niyang namamaga pa rin. Wala na siya sa sarili, hindi na din makapagisip ng susunod na gagawin. Sumigaw. Sumapak. Maglakad. Mamatay. "Asan siya?"








--
Unknown: The path to Light or Darkness? The choice relies on you, child.
KaiPrincess: Neither, I choose to walk the path of Twilight. Defending all that is Light and Darkness.
Unknown: I see now before me how much you've grown... forgive me.
Previous PageNext Page